RAGE
Friday, October 14th, 2005
SHETE! Ang bobo ko, bakit ba ngayon ko lang nakitang tanga ako sa pagbibigay halaga sa mga taong hindi nmn ako binibigyang halaga? Slamat sa kanya, at least ngayong malayo na siya sa akin nkikita ko nang malinaw yung totoong ugali nyang dapat ko palang noon pa nakita!!! Bolero sya, pakiramdam nya kaya nyang paikutin ang ulo ng mga babae, shet! dala-dalawa syota nya ngayon…Kapal talga!!!
OO naiintindihan kong nasaktan sya ng sobra dun sa dalawang beses na nagmahal siya ng totoo at iniwan lang din sya, pero hindi yata enough na dahilan yun para paglaruan nya yung mga babaeng aanga-anga at engot na nagpapaloko sa kanya. Cguro nmn hindi nya babasahin to noh! well, kung basahin mo man to… cguro lalo lang lalala yung galit mo sa akin.Well, guess what!!???!! I don’t care. Nakakpagod kang isipin, nakakpagod kang i-figure out. Dahil itinapon mo na yung halos anim na taong pagkakaibigan natin ng ganun ganun na lang , nang walang dahilan. Tatalikuran na rin kita. Guess what ulit!! GALIT NA RIN AKO…..
Sabi mo dati, alam mong ako lang ang nakakaintindi sa iyo…ngayong wala na ako sa buhay mo…sana makatagpo ka ulit ng makakaintindi sa iyo, kasi kahit gaano katindi yung galit ko sa iyo…pinagdarasal ko pa ring maging masaya ka. Sana may matagpuan ka uli na magmamalasakit sa iyo nang higit sa naging pagmamalasakit ko… nang higit sa naging pagpapahalaga ko sa iyo. Hindi naman nasayang yung anim na taong yun, marami akong natutunan, cguro kailangan lang talagang may katapusan ang lahat. Eto, huli na….. paalam.
